"Words and writing will last, but the thoughts of it that touched and inspired one soul will stay forever in thier hearts. I am sure they will carry it in thier own journey of LIFE.." Be blessed!

Monday, April 18, 2011

Buhay "HIGH SCHOOL"


Sa wakas nagkaroon ako ng panahon sariwain and mga ala-ala ng kahapon.. Anim na taon na ang nakakalipas mula ng nagtapos tayo ng High School. Di ko alam kung bakit bigla kong nakita kaninang umaga ang mga makapagpaala-ala saakin ng apat na taong kasama ko kayo. Mga lumang litrato, sulat mula sa kaibigan, at mga lumang ribbons na tanda ng pagsisipag sa pag-aaral.

Nakakamiss pala ang mga panahong yun, pati mga guro na minsang ginugol ang panahon para tayo'y bigyan ng karunungan. Ansarap balikan ang kahapong tayong magkakasama, sa saya, lungkot at alitan, pero kahit ganun pa man buo parin at nagkakaisa.

Nasaan na kaya ang iba nating mga kasama na minsa'y tinawag nating classmate sa apat sna taon, na nagbigay kulay sa apat na sulok ng silid-aralan. Kung aking pagmamasadan ang katahimikan sa kuwartong ito, biglang bumabalik ang tawanan ng minsa'y sa dala ng kulitan at asaran mga papel sa buong klase ay nagkalat na at di napansin ang gurong paparating..si Maam magtatanong andyan na pala "CLASS, ano ibig sabihin nito?!." Naalala niyo ba yun? bigla tatahimik ang buong klase sabay pulot sa mga kinalat na papel? Alam ko ngumingiti ka dahil ikaw ang isa sa mga nagkalat ng papel noon.. ^_^

Naaalala ko rin, na sa High School maraming circle of friends, grupo na iisa ang hilig madalas yan ang magkakasama. Grupo ng masisipag mag-aral, grupo ng mga puro lalaki na basketball pagtapos ng klase ang iniisip, grupo ng mga tahimik, at grupo ng mga "bully", at etc. Kaya nga lalong makabuluhan ang High School, dahil ibat-ibang personality ng tao ang nakakasama.

Sa mga guro naman tayo, merong guro na gustong-gusto magaling ka sa salitang English, pero asahan niya sa Math di ako magaling.. hehe.. May guro naman na kelangan magaling ka sa Filipino, sabayan ng Science subject "I therefore conclude.." "sana, puro nalang tayo experiment." Para malaman natin bakit mahina tayo sa ibang subject at sa iba magaling. ^_^ Ako, inaamin ko di ako magaling sa Math. Kaya nga minsan sa buong araw ko sa klase pinalangin bakit may Math subjetc pa? huhu..deskripsyon ng mga ayaw sa Math subject "dumudugo na utak ko waaah!"Pero nalaman ko, kelangan din talaga ang MAth Subject sa buhay. Pati sa Kolehiyo,  kaya di ako nagsisi na pinilit ko mahalin ng subject na Math (kahit mga numbers ayaw ako.. :b). Hanga rin mana talaga ko sa mga kaklase nating magagaling sa Math, Si, Bryan, si Ma.le, si Tony, si Rea etc.. di ko alam saan nila nakukuha ang mga naisasagot nila sa Algebra.. :) my greatest weakness!

Dahil sa fear ko sa Math, dun ko sinunod ang kurso na kukunin ko sa kolehiyo, matakasan lang yang mga
numero na yan.. ayayay! hehe.. Noong kumuha ako ng exam sa Polytechnic University of the Philippines, sabi ko kukunin ko, "Industrial Psychology." Sa totoo lang, malapit na ko magtapos sa High School ng maisip ko yun dala rin ng impluwensya ng aking mga Auntie at magulang, pero di dahil gustong-gusto ko, kaya advice ko kung pinagdarasal nyo, at pursigido kayong makapagtapos first year High School palang pag-isipan nyo na
kursong kukunin nyo sa kolehiyo.

May "twist" pa yun, sa totoo lang di ko nakuha ang "Industrial Psychology", sabi saakin ng PUP admin, ubos na raw ang slot para dito. Hmmm.. kelangan ko na gumawa ng desisyon agad, eksakto, mga panahong yun, 2005, uso ang kompyuter na course sa Maynila. Hanggang sa nakapasok ako at nakuha ko ang "Information Technology.." at nakapagtapos at nakapagtrabaho na puro Technical stuffs ang kinahiligan ko.

Teka nalalayo na ko, balik tayo sa High School classmates.. Naaalala ko pa ang impluwensya ng guro natin sa T.H.E. nahilig ako sa gardening dahil sa kanya. Naalala ko pa nga mgaplot ko sa bawat sulok ng buong Campus. Alam ko maaalala niyo ito, diba, may Roses tayong inaalagaan mula sa pasukan ng eskwelahan? Naalala niyo rin ba yung puno ng dalanghita, landscaping natin yun diba? Hmmm.. yung, plot sa gilit ng Fourth year high school, na may tanin na Okra at petsay? wag mong sabihing nakalimutan mo na hehe.. Madalas nga tayong nag-aasaran at nagbabatuhan ng naglalakihang kunbg tawaging ay higanteng bulate hahaha! Naku, nakakamiss talaga, namimiss ko narin kayo... namiss nyo rin ba ako.. ^_^

Naalala ko rin yung mga crushes natin, ayoko mag name-drop kaw ba? sino naging crush mo. Natural naman talaga sa teenager yun diba? lahat tayo dumadaan doon, yung pakiramdam na mahalaga ka, accepted at kaibig-ibig.. ayiiii! Tama na nga! cheezy masyado..

Opppss.. ang pianaka high light pala ng High School days natin, Cultural at Intramural Contest, dalawang beses tayo champion Third year at Fourth year, naalala ko pa yung sobrang tuwa natin, tumatakbo sa loob ng classroom dala-dala ang trophy, sabay sigaw! Champion kami! champion kami!.. First time din na nagkaron ng Cocktail party at batch pa natin ang nabiyayaan ng event na yun, alam ko di na naulit pa sa mga susunod na batch, tska first time din na na approve magkaroon ng JS Night sa batch pa natin.. saya diba? Hmmmm.. masaya rin naman mga Christmas Party natin tama? para sakin unique yun.

Nakakamiss din ang mga kaklase nating nag-aagawang manghiram ng notebook sayo dahil tinatamad sila kumopya sa blackboard.Hehe..Nakakarelate ka noh? isa ka rin doon e, kasi ibabagsak ka sa subject ni ni Maam pag wala kang notes.Kaw din.:b

Sa mga kaklase ko na may mga asawa na, minsan naman, nawa'y matuloy na ang reunion, yung magkakasama tayong lahat.. sa mga may work, minsan magkaron naman sana tayo oras para sa isa't - isa magbonding.. ^_^
Miss ko na kayo... Miss nyo narin sana ko.. ^_^ Best of friends miss ko narin kayo lahat..
sabay-sabay nating abutin mga pangarap natin..

No comments:

Post a Comment

Blog Archive