"Words and writing will last, but the thoughts of it that touched and inspired one soul will stay forever in thier hearts. I am sure they will carry it in thier own journey of LIFE.." Be blessed!

Wednesday, October 3, 2012

Journey to Paradise "Mount Dagundol" -Sept 29-30 2012



At long last! Natupad ko narin ang isa sa mga panagarap ko umakyat ng bundok.. mejo enjoy ang byahe, enjoy and paakyat ng bundok halos limang oras din naming inakyat yung Mt. Dagundol sa Batangas. Masaya rin sa pakiramdam na kahit mahirap paakyat sa pag naabot mo na ang tuktok ng bundok magaan sa pakiramdam.

Sa mismong araw din na yun dun ko nakilala mga kasama ko umakyat ng bundok, halos lahat sa kanila mountaineer na talaga kung tawagin maliban samin ni Ruby at Rolly hehe.. kahit nga bag kung dala parang par eskarsyon lang, wala ako tent tubig na 3liters lang dala ko at mga magagaang damit. Sulit din talaga ang pagod, salamat nga rin talaga kay Lord na dininig yung panalangin naming wag umulan. Halos 5:30 Pm na kami nakarating at nagtayo sila tent.





journey from the sea


Amazing din talaga yung dala nilang lutuan at gasul at botane gas, nakasurvive kami sa buong gabi, busog sa giniling na luto ni Jihan.


Sino ba mag aakalang my tindang halo-halo si nanay sa taas ng bundok? hehe

Ruby and Me














Sa oras ng pagtulog, magkatabi kami ni Ruby, pinahiram kasi sa amin ang isang tent na gamit nila, bait no? Ang sarap ng dampi ng sariwang hangin sa tent ramdam na ramdam ko rin ang lamig. Kala ko okey pa mga paa ko, pero nagising ako nang nagsimulang sumakit mga paa ko ng nilamig ako. Di kasi ako ng jogging, nag biking lang ako ng isang araw di tuloy nakondisyon paa ko hehe.. Sabi ko nung gabing yun habang nagdarasal ako 3:20am nung magising ako “Lord, di ko na ata kaya makababa bundok bukas,” nagiginig ako sa lamig, habang haplos ang namamanhid kong mga paa.
Mas mahirap sakin pababa ng bundok kasya paakyat di ko alam kung bakit, siguro dahil excited ako paakyat. Mas mabilis kami nakababa, 8:30am kami bumaba bundok, kasama ng mga basura naming, syempre bawal mag iwan ng kalat magagalit si Mother Nature.
 
Pagbaba naming, una kami naligo sa Falls, ansaya kahit medyo matarik di akyatin. Pagtapos sa falls konting langoy-langoy din sa dagat at picture-picture! Di ko talaga makakalimutan ang unang akyat ko, excited na nga ako sa mga susunod pa bundok na madiscover ko. Sabi ko nga pagtanda ko di man ako makaakyat ulit atleast baon ko ang mga kwento at ala-ala ng kabataan ko, pwede ko rin maibahagi sa generation ko. Natutuwa din ako sa Lumikha ng Nature, Thank You Lord, at hinayaan mo ko makarating sa paraisong ginawa mo, sa uulitin ulit.

With PSC "Philippine Social Climbers group!"
 

Blog Archive