At long last! Natupad ko narin ang isa
sa mga panagarap ko umakyat ng bundok..
mejo enjoy ang byahe, enjoy and paakyat ng bundok halos limang oras
din naming inakyat yung Mt. Dagundol sa Batangas. Masaya rin sa
pakiramdam na kahit mahirap paakyat sa pag naabot mo na ang tuktok ng
bundok magaan sa pakiramdam.
Sa mismong araw din na yun dun ko
nakilala mga kasama ko umakyat ng bundok, halos lahat sa kanila
mountaineer na talaga kung tawagin maliban samin ni Ruby at Rolly
hehe.. kahit nga bag kung dala parang par eskarsyon lang, wala ako
tent tubig na 3liters lang dala ko at mga magagaang damit. Sulit din
talaga ang pagod, salamat nga rin talaga kay Lord na dininig yung
panalangin naming wag umulan. Halos 5:30 Pm na kami nakarating at
nagtayo sila tent.
|
journey from the sea |
|
Amazing din talaga yung dala nilang
lutuan at gasul at botane gas, nakasurvive kami sa buong gabi, busog
sa giniling na luto ni Jihan. |
|
Sino ba mag aakalang my tindang halo-halo si nanay sa taas ng bundok? hehe |
|
Ruby and Me |
Sa oras ng pagtulog, magkatabi kami ni
Ruby, pinahiram kasi sa amin ang isang tent na gamit nila, bait no?
Ang sarap ng dampi ng sariwang hangin sa tent ramdam na ramdam ko rin
ang lamig. Kala ko okey pa mga paa ko, pero nagising ako nang
nagsimulang sumakit mga paa ko ng nilamig ako. Di kasi ako ng
jogging, nag biking lang ako ng isang araw di tuloy nakondisyon paa
ko hehe.. Sabi ko nung gabing yun habang nagdarasal ako 3:20am nung
magising ako “Lord, di ko na ata kaya makababa bundok bukas,”
nagiginig ako sa lamig, habang haplos ang namamanhid kong mga paa.
Mas mahirap sakin pababa ng bundok
kasya paakyat di ko alam kung bakit, siguro dahil excited ako
paakyat. Mas mabilis kami nakababa, 8:30am kami bumaba bundok, kasama
ng mga basura naming, syempre bawal mag iwan ng kalat magagalit si
Mother Nature.
Pagbaba naming, una kami naligo sa
Falls,
ansaya kahit medyo matarik
di akyatin. Pagtapos sa falls konting langoy-langoy din sa dagat at
picture-picture! Di ko talaga makakalimutan ang unang akyat ko,
excited na nga ako sa mga susunod pa bundok na madiscover ko. Sabi ko
nga pagtanda ko di man ako makaakyat ulit atleast baon ko ang mga
kwento at ala-ala ng kabataan ko, pwede ko rin maibahagi sa
generation ko. Natutuwa din ako sa Lumikha ng Nature, Thank You Lord,
at hinayaan mo ko makarating sa paraisong ginawa mo, sa uulitin ulit.
|
With PSC "Philippine Social Climbers group!" |
No comments:
Post a Comment